Pekeng umano’y welfare check kay dating Pangulong Duterte, kinondena ni VP Sara | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

May mga Pilipinong opisyal umanong bumisita kay dating Presidente Rodrigo Duterte sa detention facility nito sa International Criminal Court (ICC) para sa isang “sham” o pekeng welfare check.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, wala umanong permiso mula sa kanilang pamilya ang pagpunta ng Philippine Embassy sa The Hague; nagpanggap umano itong magsasagawa lamang ng welfare check, ngunit ang i-interview-hin si FPRRD ang tunay na sadya.

Malinaw umano itong pang-aabuso sa batas ng detention unit tungkol sa consular visits.

Hindi rin nagustuhan ng Bise ang pagpayag mismo ng ICC na bisitahin ng mga Philippine officials si FPRRD nang walang paalam; inilalagay daw nito sa alanganin ang buhay ng kanyang ama.

Kung magpapatuloy umano ito ay may mangyari man sa dating presidente, responsable dito ang ICC at ang gobyerno ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Ani pa ng nakababatang Duterte, mga utos lamang umano ito ni President Marcos Jr. na nag-aanyong consular functions, sabay giit na hindi sila kailangan ni FPRRD at pamilya na nila ang mangangalaga dito.

Samantala, batid umano ni dating defense counsel ni Duterte Nicolas Kaufman ang pangyayari at sinabing ipinaalam naman sa defence ang mga naunang pagbisita ng konsulado pero hindi ang pinakahuli; pinag-iisipan na din nito kung paano ia-address ang anila’y gross invasion of privacy at tangkang paninabotahe ng legal na proseso.

Iiwanan na ng Malacañang ang isyu sa Department of Foreign Affairs, ayon kay Undersecretary Claire Castro. Tikom naman ang bibig ng ICC dahil sa restrictions nito ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa taong nakadetine. (Denniel Salayo/ News Light)