Sinalakay ng PNP-Anti Cybercrime Group, Land Transportation Office at Valenzuela City LGU ang pagawaan ng pekeng government IDs.
Nakumpiska ang daan-daang counterfeit IDs at mga kagamitan sa pag-mass produce ng mga ito.
Nagpatupad naman ang Valenzuela City ng bagong security features sa kanilang IDs, samantalang pag-aaralan naman ito ng ibang ahensya gaya ng LTO.



