Sinira at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Huwebes ang mahigit P16 bilyong halaga ng iligal droga sa Trece Martires City sa Cavite.
Ayon sa PDEA, mahigit dalawang milyong gramo ng solid at 14,000 milliliters ng liquid illegal drugs na nakumpiska mula 2021 hanggang 2025 ang dinispatsa sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis isang prosesong gumagamit ng matinding init para tuluyang masira ang mga kemikal.
Ayon kay PDEA chief Isagani Nerez, karamihan sa mga droga ay may kaso kaya hinintay muna ang court destruction order.
Lumalakas din daw ang produksiyon ng mga drug syndicate kaya mas maraming droga ang nasasabat ngayon ng mga otoridad.
ADVERTISEMENT
Iginiit naman ni Nartatez, na palalakasin pa ang operasyon laban sa mga drug syndicates sa buong bansa.



