
Isang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasawi matapos masugatan sa isang buy-bust operation na nauwi sa barilan sa Calamba City, Laguna, noong July 20.
Kinilala ang biktima na si Intelligence Officer I Raffy Escobido, 31-anyos, miyembro ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 2.
Nagtamo siya ng tama ng bala sa ulo at binawian ng buhay habang nasa intensive care unit.
Ayon sa PDEA, tinangkang arestuhin ng kanilang team ang dalawang armadong suspek na nakatakas matapos ang engkwentro.
Kasalukuyan nang isinasagawa ang malawakang manhunt laban sa mga ito.
ADVERTISEMENT
Nag-utos naman si PDEA Director General Usec. Isagani Nerez na ibaba sa half-mast ang watawat ng ahensya bilang paggalang kay Escobido.
Nangako rin siyang hindi titigil ang PDEA hanggaโt hindi napapanagot ang mga responsable sa pagkamatay ng kanilang kasamahan.



