PCG, walang na-detect na oil spill mula sa sumadsad na LCT Felicity 8 sa baybayin ng Lemery

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Maricon Rodriguez  |  ๐Ÿ“‚ DZJV Radyo CALABARZON
Photo Courtesy: Coast Guard District Southern Tagalog

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang na-detect na oil spill mula sa LCT Felicity 8, matapos itong ma-stranded sa baybayin ng Lemery, Batangas noong November 8 habang humahagupit ang Super Typhoon Uwan.

Ayon sa PCG, tumigil pansamantala ang barko sa Pagapas Bay sa Calatagan dahil sa masamang panahon nang tangayin ito ng malakas na hangin at alon papunta sa mababaw na bahagi ng dagat sa Lemery.

Tiniyak naman ng coast guard na nananatiling stable ang barko, walang malaking pinsala sa istruktura, at walang idinulot na marine pollution.

Patuloy ang koordinasyon sa kapitan ng barko para sa ligtas at maayos na extraction.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakatakdang magsagawa ang PCG ng marine casualty investigation upang alamin ang mga pangyayari at masuri kung nasunod ng barko ang mga safety at navigational protocol.