Hinarangan ng BRP Cabra vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-usad ng Chinese Coast Guard (CCG) paalis sa baybayin ng Zambales, ayon kay Commodore Jay Tarriela kahapon.
Sa anunsyo ni Tarriela sa social media, tinawag niyang “illegal incursion” sa katubigan ng bansa.
Hinarap ng BRP Cabra ang Chinese vessel CCG0-241562 habang mino-monitor ang dalawa pang barko na CCG-3305 at CCG-4305.
Kahit ‘di hamak na maliit ang vessel ng PCG, nakagawa umano ng “protective buffer” na 85 hanggang 100 nautical miles sa pagitan ng barko ng China hanggang boundary ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
ADVERTISEMENT
Paglabag rin aniya sa Philippine Maritime Zones Act, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang 2016 Arbitral Award na hindi umano iginalang ng bansang China.
Giit ni Tarriela na hindi susukuan ng PCG ang responsibilidad nito na protektahan ang interest at hurisdiksyon ng bansa. (Denniel Salayo/News Light)



