“God’s Word Brings Life to Our Hearts and Homes.”
Iyan ang tema ng National Bible Month ngayong 2026.
Kaya naman may paalala ang bagong general secretary ng Philippine Bible Society na si Laura Valledo.
Pagkakataon aniya ang Bible Month para magbalik-loob ang mga Pilipino sa pagbabasa at pagbubulay-bulay ng Salita ng Diyos.
ADVERTISEMENT
Hinimok ni Valledo ang mga simbahan, paaralan, komunidad, lalo na ang pamilyang Pilipino, na magkaisa at makilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa pagsusulong ng Bibliya.



