Pinangunahan ni Plt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang turn-over ceremony ng police regional 3 sa Camp Olivas kung saan pormal nang umupo bilang bagong regional director para sa Central Luzon si PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr. kapalit ni PBGen. Jean Fajardo.
Dumalo sa seremonya ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya kabilang ang NAPOLCOM, PDEA, at lokal na pamahalaan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Peñones ang agarang serbisyo at matinding disiplina sa hanay ng kapulisan. kasama ang 5-minute response time at 24/7 na presensya ng mga kapulisan.
Habang hinikayat din niyang patatagin ang tiwala at pagkakaisa sa loob ng organisasyon epektibong pamamahala sa pondo at gamit ng PNP, at pagyakap sa transparency at innovation.
Huling nagsilbi si peñones bilang provincial director ng Zambales Police Provincial Office.