PBGEN Jack Wanky, itinalaga bilang bagong Regional Director ng PRO CALABARZON

📅 June 23, 2025 01:55 PM PHT  |  ✏️ Updated June 23, 2025 02:51 PM PHT
👤 Maricon Rodriguez  |  📂 Batangas, Cavite, DZJV Radyo CALABARZON, Featured, Laguna, Latest News, Quezon, Rizal
Photo Courtesy: PBGEN JACK L. WANKY

Pormal nang itinalaga bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON si Police Brigadier General Jack Wanky, kapalit ni PBGEN Paul Kenneth Lucas.

Si Wanky ay isang beteranong opisyal na tubong Buguias, Benguet at dati nang nagsilbi bilang Chief of Staff ng Philippine National Police Academy, Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO, Director ng PNP Aviation Security Group, at Regional Director ng Western Visayas.

Tiniyak ni PBGEN Wanky na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang inisyatibo ng PRO 4A at buong-suportang isusulong ang tatlong haligi ng pamumuno ng PNP—mabilis na serbisyo, pagkakaisa, at pananagutan.

Samantala, si PBGEN Paul Kenneth Lucas, na nagsilbi sa rehiyon sa loob ng halos dalawang taon, ay manunungkulan bilang Deputy Regional Director for Administration ng NCRPO.