PBBM, tumulak sa Japan para sa isang working visit

📅  |  ✏️ Updated

Lumipad na papunta sa Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
para sa isang working visit ayon sa Malacañang.

Ayon kay Palace press officer Usec. Claire Castro, ngayong tanghali ng June 19 umalis si PBBM.

Bibisitahin ng pangulo ang World Expo sa Osaka na nagbibida sa kultura at turismo ng bansa.

Kasama rin sa agenda ng pangulo ang pakikipagkita sa Filipino community sa lugar.

ADVERTISEMENT

Inaasahang babalik ng Pinas ang pangulo sa weekend.