PBBM, tiniyak ang mas matatag na suplay ng kuryente sa Siquijor

📅  |  ✏️ Updated

Idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tapos na ang power crisis sa Siquijor kasabay ng pag-switch on ng bagong powerplant ng Prosielco sa Larena, Candanay at Lazi.

May 17.8 megawatts na suplay ng kuryente sa planta higit pa sa 9 megawatts na demand ng probinsya.

Kasama niya si Energy chief Sharon Garin na nag-anunsyo ng bidding para sa bagong power service agreement ngayong taon.

Matatandaang binawi ng Energy Regulatory Commission ang permit ng SIPCOR dahil sa paglabag sa regulasyon na nagdulot ng matagalang brownout.

ADVERTISEMENT

Babala ng doe hindi na papayagan ang inepektibong generation companies.

Iniutos din ng pangulo sa DOE na suriin ang energy plan dahil tiyak na tataas ang demand ng kuryente sa mga susunod na taon.