Hinihimok ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines
na kontrahin ang aniyay mga pagtatangka na nagtatanim ng pagkalito upang hatiin ang bansa.
Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong promote na heneral at opisyal ng kasundaluan sa Malacanang, kinilala ni Marcos ang kabayanihan ng AFP hindi lamang sa panahon ng mga engkwentro kundi kung nasaan man ang pangangailangan para rito tulad sa mga rescue at disaster response operations.
Bilin ng pangulo, labanan ang disnformation campaigns at mga banta na at panatalihin ang pagiging tapat sa konstitusyon.



