
Inanunsyo ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na dadalo sa burol ni Pope Francis sa Vatican City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Castro, sasamahan ang Pangulo ng kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Matatandaang nakiisa ang Pangulo sa pagluluksa sa pagkamatay ng Santo Papa na kanyang tinawag na “Best Pope” sa kanyang buhay.
Magsisimula ang burol ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Sabado ng umaga oras sa Vatican.
National mourning, idineklara ni PBBM dahil sa pagpanaw ni Pope Francis
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang national mourning para kay Pope Francis.
Ito’y sa bisa ng Proclamation No. 871, na nag-uutos sa pag-half mast ng mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng gusali ng pamahalaan sa bansa at abroad simula ngayong araw hanggang sa ilibing ng Santo Papa.
Nakasaad din sa proklamasyon na may natatanging lugar sa puso ng bawat Pilipino si Pope Francis, matapos ang kanyang apostolic visit sa Pilipinas noong 2015 kung saan nagpaabot siya ng pakikiisa sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nagdalamhati ang mga Pilipino sa pagpanaw ng Santo Papa na kinikilalang lider ng simbahan na may malasakit at nagtataguyod ng kapayapaan.