Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkules ang situation briefing para sa epekto ng magkakasunod na bagyo at habagat sa Pilipinas.
Dumating ang Pangulo sa NDRRMC Operations Center sa Camp Aquinaldo sa Quezon City, kasama ang ilang opisyal para pag-aralan ang epekto ng bagyong Nando at maglatag ng plano at kahandaan sa paparating na bagyong Opong na nagpapalakas din ng habagat sa bansa.
Kumpiyansa naman ang Pangulo sa disaster readiness ng pamahalaan habang patuloy pa ring tututukan ang sitwasyon.



