Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12253 o enhanced fiscal regime for large-scale metallic mining act.
Sa ilalim ng batas ito, lahat ng mining firms sa itinalagang mining sites ay magbabayad ng 5 percent royalty sa gross output.
samantala, sasailalim sa margin-based royalty ang nasa labas ng mineral reservations.
magpapataw din ng karagdagang buwis kapag lumampas sa 30 percent ang profit margin ng mga kompanya para masiguro ang makatarungang bahagi ng gobyerno.
habang bawat kontratista ay ituturing na hiwalay na taxable entity para maiwasan ang pagtatago ng kita ng mga ito.
ADVERTISEMENT
samantala, 40 percent ng tax collection ay mapupunta sa mga lokal na pamahalaan habang 10 percent ng royalties sa mining sites ay mapupunta sa mines and geosciences bureau o mgb at metals industry research and development center.
giit ni marcos, hindi dapat isalang-alang ang tao at kalikasan kapalit ng pag-unlad.
tinatayang aabot sa 25 bilyong piso ang malilikom na revenues mula 2026 hanggang 2029.



