PBBM, nakipagpulong sa Japanese tourism leaders para palakasin ang turismo sa bansa

📅 June 23, 2025 11:44 AM PHT  |  ✏️ Updated June 23, 2025 11:44 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Sa ikalawang araw ng kaniyang pagbisita sa Japan nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga major stakeholders ng japanese tourism sector para palakasin ang turismo sa Pilipinas.

Giit ng pangulo mayroong humigit sa dalawandaang flights ang nag uugnay sa japan at pilipinas.

Kabilang sa mga nakipagpulong kay Marcos ang mga kinatawan ng Japan Tourism Agency, JTB, Hankyu Travel, Kansai Airports, Philippine Airlines at Cebu Pacific.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nanatiling ikatlong pinakamalaking inbound market ng Pilipinas ang Japan.

Tiniyak din ni Marcos sa mga Japanese partners ang patuloy na pagpapaunlad sa mga paliparan tulad ng NAIA at mga regional airports para palawakin ang access ng mga banyagang turista.

Matatandaang puspusan ang pagpapaunlad ng Pilipinas sa sektor ng turismo bilang pangunahing panggatong ng pagbangon ng ekonomiya.