Nakauwi na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang delegasyon ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nakamit ng Pangulo sa pagdalo sa ASEAN ay pakikipagdayalogo tungkol sa West Philippine Sea.
Nakakuha rin ng suporta si Marcos Jr. mula sa Asian Development Bank sa pamamagitan ng $400 million na loan para madevelop ang Palawan at Mindanao.
ADVERTISEMENT
Isinulong naman ng Pangulo ang pagdaragdag ng pondo ng mga ASEAN partners bilang paghahanda sa epekto ng climate change sa Southeast Asia.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang Pangulo sa humanitarian crisis sa Gaza bunsod ng patuloy na pag-atake ng bansang Israel.



