Lilipad si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa linggo patungong cambodia para sa kanyang unang state visit doon.
Layunin ng tatlong araw na pagbisita ang pagpalawak ng kooperasyon sa ekonomiya paglaban sa transnational crimes gaya ng human trafficking at pagpalakas ng kalakalan sa rehiyon.
Kasama sa agenda ang usapin sa mga scam hubs sa Cambodia kung saan ilang pinoy ang nailigtas kamakailan.
Habang inaasahan din ang business meeting ng pangulo kasama ang mga leader ng malalaking negosyo sa Cambodia at Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Target din ng biyahe ang pagkuha ng suporta ng Cambodia para maging chair ang Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.



