PBBM, nagpaalam na kay outgoing Chinese ambassador Huang Xilian; aminadong kulang ang progreso sa WPS issue

📅

Personal ang pagpapaalam ni outgoing Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Inamin ni Pang. Marcos Jr. na kulang ang naging pag-usad sa mga usapin sa South China Sea at West Philippine Sea.

Giit pa ng pangulo, sa kabila ng mga pagsubok napanatili nila na hindi lumala ang mga tensyon.

Nagpasalamat din si PBBM kay Huang sa anim na taong panunungkulan nito.

ADVERTISEMENT

Madalas na nasasangkot sa mga kontrobersiya sa West Philippine Sea si Huang Xilian.

Matatandaang idineklarang persona non grata sa Kalayaan, Palawan si Huang matapos ang water cannon incident ng China sa Ayungin shoal noong 2023.