Nagbabala naman si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na huwag magpauto sa harap ng kaliwa’t-kanang name dropping ukol sa isyu ng anomalya sa government infrastructure projects.
Kasabay nito nakatakdang ianunsyo ni PBBM ang independent commission na susuri sa lahat ng mga alegasyon at sumbong, upang mapanagot ang mapatutunayang sangkot.
Nagpaalala si PBBM na ang mga pangalan na binanggit sa magkahiwalay na flood control investigation sa senado at sa kamara ay kailangang isailalim muna sa due process.



