Maagang ipinagdiwang ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ika-61 kaarawan sa Malacañang.
Sa isinagawang “Salo-salo sa Palasyo” dumalo ang mga tagasuporta mula Metro Manila hanggang Ilocos para personal na bumati sa pangulo at kanyang pamilya.
Ginawang tradisyon ang “Salo-salo sa Palasyo” bilang simbolismo ng pagiging bukas ng administrasyon at pasasalamat sa publiko.



