Kinansela ni President Ferdinand Marcos Junior ang kaniyang scheduled trip sa New York City, kaugnay ng kanyang pagdalo sa United Nations general assembly sa susunod na linggo.
Sa pahayag ng Pangulo, kailangan niyang tutukan ang bagong binuo na Independent Commission for Infrastructure at ang isyu ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, sinabi ni PBBM na dapat unahin niya ang pagtutok sa kasalukuyang mga isyu sa bansa.
Habang itinanggi naman ng Palasyo na may kinalaman ang kanselasyon sa nakatakdang protesta kontra korapsyon sa September 21.
ADVERTISEMENT
Giit ng Palasyo, kakampi ng Pangulo ang mga magpoprotesta sa pakikibaka laban sa korapsyon.



