PBBM, ipauubaya na sa ICI ang desisyon para sa kanilang hinaharap | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Hahayaan na ni President Bongbong Marcos Jr. ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magpasya sa sarili nitong hinaharap, ayon sa Malacañang kahapon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ano man ang magiging susunod na galaw at “destiny” ng ICI ay ipinauubaya na ng pangulo sa komisyon; magbibigay rin umano ng tulong dito ang ehekutibo kung kinakailangan.

Nang tanungin kung paano ito gagana nang walang miyembro, ani Castro, maaari umano itong maghalal ng sariling mga opisyal at mga tauhan bilang isang independent na komisyon.

Magugunitang ayon kay ICI Chair Andres Reyes, naghihintay lamang umano ang ICI sa direktiba ng pangulo hinggil sa pending na appointment ng mga kasapi nito; ngunit ayon naman kay PBBM, patapos na ang trabaho ng ICI sa pag-iimbestiga ng anomaliya sa flood control. (Denniel Salayo/News Light)