PBBM, inalerto ang mga local disaster offices ngayong may binabantayang bagyo | News Light

📅 July 4, 2025 12:17 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 12:17 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 Ulat Panahon, Latest News, News Light

Ipinag-utos ng Palasyo na panatilihing malinis ang mga estero sa Metro Manila para maiwasan ang matinding pagbaha ngayong may binabantayang bagyo.

Inalerto na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga local disaster offices para maghanda sa anumang mangyayari ngayong tag-ulan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 34 na estero ang nalinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng mga TUPAD beneficiaries.

Pinaigting na rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang disaster preparedness sa bawat lokal na pamahalaan.

Naka-activate na ang mga emergency operation centers, evacuation centers, pag-update ng contingency plans, community drills at mahigpit na pagpapatupad ng no-build zones. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)