Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga palpak na opisyal kaibigan, kaalyado man o hindi.
Sa gitna ng patuloy na performance review ng Malacañang, sinabi ni Marcos na kailangang mahigpit sa pagpapatupad ng accountability.
Aniya, katulad sa militar kung hindi nagampanan ang utos, agad na papalitan.
Hindi rin dapat makaapekto ang pansariling ugnayan sa pagtupad ng tungkulin.
Habang binatikos din ni PBBM ang matagal nang kultura ng “business as usual” sa gobyerno na aniya’y naging dahilan ng mga problema sa bansa.
Samantala, ilang opisyal na ang tahimik na niyang pinaalis o inilipat sa ibang posisyon ayon sa pangulo.