Sa pagdiriwang ng ikapitumpu’t walong anibersaryo ng Philippine Air Force, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tuloy-tuloy ang suporta sa Philippine Air Force.
Ayon sa pangulo, gagawin ang lahat ng paraan para maibigay ang pinakamainam na training, equipment at pasilidad sa air force ng bansa.
Sa ilalim ng kanyang administrasyon nagdagdag ng anim na bagong eroplano ang air force mas pinaigting ang flight simulation training at nagkumpleto ng iba’t ibang infrastructure projects para masigurado ang pagkakalagay ng air assets.
Pinasalamatan din ni Marcos ang mga piloto at air force personnel na laging handang rumesponde sa mga kalamidad at misyon.