Ilang araw bago mag-convene ang Senado bilang impeachment court, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya kailanman ginustong ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Naniniwala ang Pangulo na hindi ito magiging mitsa ng pulitikal na kaguluhan sa bansa, at bahala na ang Senado sa pag-usad ng impeachment trial.