PBBM, iginiit na dapat magkaroon ng programa para mapigilan ang pagkain ng matatamis para iwas-sakit

📅 June 20, 2025 12:10 PM PHT  |  ✏️ Updated June 20, 2025 06:44 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataan na bawasan ang pagkain ng sobrang matatamis para maiwasan ang diabetes at kidney disease.

Sa talumpati sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, binigyang-diin ng pangulo ang pangangailangan ng mga programang magtuturo sa kabataan na iwasan ang sobrang konsumo ng asukal.

Target ng pangulo ang isang long-term plan kasama ang mga magulang, guro, at food industry para kontrolin ang asukal sa pagkain ng mga kabataan.