Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensiya ng gobyerno na gawing simple ang kanilang Christmas at year-end celebrations bilang pakikiramay sa mga Pilipinong nabiktima ng sunod-sunod na bagyo, lindol, at flash floods.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, bahagi ito ng paalala ng Pangulo at ng DBM sa mga kawani ng pamahalaan para ipamalas ang pakikiisa sa mga nasalanta.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko pero dapat ito’y may pag-alala sa mga kababayang patuloy na bumabangon mula sa mga kalamidad.
Samantala, maaalalang inanunsyo na rin ng Palasyo ang pagbibigay ng nakatakdang year-end bonus ngayong buwan sa mga kawani ng pamahalaan.




