PBBM, humarap sa isang pulong sa Malacañang matapos hingin ang courtesy resignation ng lahat ng miyembro ng gabinete

📅 May 23, 2025 12:23 PM PHT  |  ✏️ Updated May 23, 2025 12:23 PM PHT
👤 Ace Cruz  |  📂 Latest News, News Light, Pulitika

Ginulantang ng Malacañang ang lahat sa sorpresang anunsyo Huwebes ng umaga na hinihingi ang pagbibitiw ng lahat ng kalihim ng Gabineteng Marcos.

Tinawag ito ng Palasyo bilang isang “bold reset”… matapos ang mahinang performance ng administrasyon sa nagdaang halalan.

Ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsalita na ang taumbayan—tabi muna ang pulitika para ayusin ang pamahalaan.