PBBM, hindi pa nagpapasya sa pagbalik ng pilipinas sa ICC

📅 July 2, 2025 11:26 AM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 11:26 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Hindi pa tinatalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na muling bumalik ang pilipinas bilang kasapi ng International Criminal Court o ICC, ayon sa Malacañang.

Ito’y matapos lumabas ang Octa Survey na nagpapakitang 57 percent ng mga pilipino ang pabor na bumalik ang bansa sa ICC.

Anim na taon mula nang umalis ito sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro wala pa sa agenda ng pangulo ang isyu pero aniya, dinidinig ni marcos ang sentimyento ng taumbayan.

Matatandaang umiwas ang Pilipinas sa ICC noong 2019 bago magimbestiga ang korte ukol sa EJK sa war on drugs.

Samantala, nananatiling mababa ang suporta sa ICC sa Mindanao sa 30 percent habang pinakamataas ito sa Luzon na may 67 percent na pagsuporta.