PBBM, hindi magbibitiw sa gitna ng corruption issue, ayon sa Malacañang | News Light

📅

Iginiit ng Malacañang na hindi magre-resign si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mga paratang ng korapsyon sa administrasyon at unang pamilya.

Ito’y matapos ang panawagan na magbitiw ang pangulo matapos ibulgar ng dating mambabatas na si Zaldy Co na tumanggap umano si Marcos ng bilyon-bilyong piso sa kickback mula sa budget insertions.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, nakatutok ang pangulo sa pagbawi ng umano’y nakaw na pondo sa flood control controversy at sa pag-aayos ng sistema sa pamamahala.

Sinabi rin ni Gomez na tinitingnan ng pangulo ang mga proyekto sa distrito ng anak niyang si Congressman Sandro Marcos.

ADVERTISEMENT

Matatandaang lumabas sa isang investigative report na si Sandro ang tinaguriang umano’y “New Pork Barrel King” dahil sa higit ₱15 bilyong piso na allocable funds mula 2023 hanggang 2025.