Hindi haharangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, hinihintay na lamang ng Palasyo ang desisyon ng Office of the Ombudsman sa mga humiling ng kopya ng SALN ng Pangulo.
Kamakailan, naghain ng petisyon ang Akbayan Party-list para ilabas ang SALN ni Marcos, Vice President Sara Duterte at ilang opisyal ng konstitusyonal na komisyon.
ADVERTISEMENT
Ito’y matapos payagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mas maluwag na pag-access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno na noon ay mahigpit na pinigilan sa ilalim ng dating Ombudsman Samuel Martires.
Giit ng Palasyo, walang pagpipigil sa impormasyon ang Pangulo at handang sumunod sa mga proseso ng Ombudsman.




