PBBM, bukas sa pagbalik ng Pilipinas sa ICC

📅 June 20, 2025 11:29 AM PHT  |  ✏️ Updated June 20, 2025 08:57 PM PHT
👤 Billy Torres  |  📂 Balitang A2Z, Featured, Latest News, Lideratong Marcos Jr.

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na talakayin ang posibleng pagbalik ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Ayon sa Malacañang, wala pang pormal na usapan sa ngayon pero nagpahayag na noon ang pangulo ng kanyang kahandaan na muling sumali sa ICC.

Ito’y kasunod ng panawagan ni UN special rapporteur Irene Khan na buksan muli ang talakayan sa pagbibigay-daan sa re-accession sa Rome statute.

Matatandaang lumabas ang panawagan sa gitna ng mga isyung kinahaharap ng ilang opisyal kabilang na ang dating pangulong Rodrigo Duterte na nasa kustodiya ng ICC.