PBBM bukas sa mungkahing pagbaba ng sentensiya kapag isinauli ng mga sangkot ang ninakaw na pondo ng bayan

📅

Bukas si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga mungkahing paraan para mabawi ang mga pondong nanakaw sa mga pekeng flood control project kabilang ang posibleng pagbaba ng sentensiya sa mga maakusahang opisyal na magbabalik ng pera ng bayan.

Ayon kay communications Usec. Claire Castro may kapangyarihan ang pangulo sa executive clemency at conditional pardon kung matutupad ang mga kondisyon nito.

Kamakailan lamang ng umamin ang ilang opisyal ng DPWH at mga kontratista na nakikipagsabwatan umano sa mga mambabatas para sa kickback mula sa mga ghost projects.

Samantala, nagkasundo na ang DPWH at Department of Agriculture na makiisa sa imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang farm-to-market road.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ng palasyo na patuloy ang direktiba ng pangulo na mapanagot ang lahat ng sangkot habang pinipili nitong huwag manghimasok sa sariling imbestigasyon ng ici.