Reunited! Former Pinoy Big Brother hosts Toni Gonzaga, Mariel Padilla, at current host nito na si Bianca Gonzalez, nagkita-kita para sa isang selebrasyon!
Sa IG shared post ni Mariel Padilla, nag-get together ang tatlo para ipagdiwang ang kanilang buhay at 40’s.
Kahalintulad noon ng Charlie’s Angels ang nabuong samahan nila Toni, Mariel at Bianca sa pagbabantay sa mga iba-ibang batch ng housemates na pumasok sa bahay ng paboritong bahay ng lahat ang pbb!
Sa ngayon ay 42-yr-old na si Bianca, habang 41 naman si Toni
at si Mariel na lumalabas na kanilang bunso sa edad na 40.



