Patuloy na pagpapabuti sa marine education and training, ipinangako ni PBBM | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagpapabuti ng gobyerno sa marine education and training sa bansa.

Sinabi ni Marcos na pinalalawig na ang mga oportunidad ng Maritime Industry Authority para sa onboard training.

Pinuri din ni PBBM ang mga kadete at nag-iwan ng payo para sa kanilang mga mithiin.

Nasa 252 mga kadete ang nagsipagtapos ngayong taon sa mga kursong marine transportation at marine engineering.

ADVERTISEMENT

Karamihan ay kadete ngayon ng merchant marine fleet, habang may mahigit tig-sampu na kadete ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.