Pasukan ng klase, nagsimula na | News Light

📅 June 16, 2025 01:21 PM PHT  |  ✏️ Updated June 16, 2025 04:36 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Featured, Latest News

Para tiyaking maayos ang unang araw ng klase, bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Maynila ngayong araw, kasama si Education Secretary Sonny Angara.

Pagkatapos nito, pinuntahan din ni Education Sec. Angara ang Tenement Elementary School sa Taguig City, pati na rin ang tig-isang paaralan sa mga lungsod ng Biñan at Santa Rosa sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa DepEd, tinatayang aabot sa 27 milyon na estudyante ang magbabalik-eskwela sa buong bansa.

Samantala, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental dahil sa masamang panahon.