Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na kanselado na ang passport ni dating Ako Bicol representative na si Zaldy Co.
Sa isang video message, iniutos ng Pangulo sa Department of Foreign Affairs at Philippine National Police na makipag-ugnayan na sa mga embahada para matiyak na hindi makakapagtago si Co sa ibang bansa at agarang i-report kung matunton.
Matatandaang umalis si Co noong kalagitnaan ng 2025 para sa medical leave pero tumangging bumalik matapos umanong magsalita ang mga kontratista at opisyal na may bilyon-bilyong kickback mula sa maanomalyang flood control projects.
Iginiit naman ng Pangulo na tuloy-tuloy ang imbestigasyon, kaso, at paghahabol sa mga mananagot, kabilang ang pagbabalik ng umano’y ninakaw na pondo.



