Pasig RTC: Tinanggihan ang piyansa ni Quiboloy at limang kasama | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Tinanggihan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan para sa piyansa nina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at lima niyang kasamahan kaugnay ng mga kasong qualified human trafficking at sexual abuse.

Sa isang 23-page order na may petsang Hulyo 20, ibinasura ng korte ang mga kahilingan para sa piyansa na inihain nina Quiboloy, Sylvia Cemañes, Paulene Canada, Jackielyn Roy, Cresente Canada, at Ingrid Canada.

Nilinaw ng korte na ang desisyong ito ay hindi pa hatol sa kaso at hindi nangangahulugan ng panghuhusga sa kabuuang merito ng mga kasong isinampa.

Ayon sa naisampang reklamo, ang biktima at kapatid nito ay na-recruit sa KOJC noong 2011 at sapilitang ginamit sa tinatawag na “bodily connection ministry” at pagbebenta ng produkto sa ngalan ng umano’y espirituwal na obligasyon.

ADVERTISEMENT

Samantala, nahaharap din si Quiboloy sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Edrei Mallorca/News Light)