Salita ng Diyos bilang gabay sa paglilingkod sa bayan
’Yan ang binigyang-diin sa pakikiisa ng Pasig at Quezon City local government sa selebrasyon ng National Bible Month.
Sa pangunguna ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, dinaluhan ng mga empleyado ang paggunita sa Bible Month sa QC Meetings, Incentives, Conferences, and Exhibitions Center.
Nakibahagi ang mga kawani ng LGU sa worship performances at nakinig sa mensaheng ibinahagi ni Pastor Paul De Vera.
Sa Pasig City naman, isinagawa ang I-Proclaim, o ang publikong pagbabasa ng Salita ng Diyos bilang pakikiisa sa Bible Month.
ADVERTISEMENT
Sa pangunguna ni Pasig City Mayor Vico Sotto, nagbasa ng Bibliya ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa kanilang flag-raising ceremony.
Ayon pa kay Councilor Angelu De Leon, ang National Bible Month ay paalala na ang Salita ng Diyos ang siyang lakas, gabay, at inspirasyon sa kanilang bawat hakbang.
Sa Enero 26, nakatakdang isagawa ang 9th Annual Celebration of the National Bible Day sa SMX Convention Center Manila.



