Kinansela na ng Pasig City Regional Trial Court Branch 157 ang mga Philippine passports nina Lucky South 99 Representative Cassandra Li Ong at dating human rights lawyer Harry Roque, kumpirmasyon ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon kahapon.
Ang kanselasyon ay kaugnay ng kasong qualified human trafficking, na konektado sa mga umano’y paglabag sa batas ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.
ADVERTISEMENT
Laman din ng media reports ang kanselasyon ng mga pasaporte ng dating government official Dennis Cunanan at iba pang indibidwal na humaharap sa parehong reklamo.
Sa ilalim ng New Philippine Passport Act, maaaring kanselahin ang mga pasaporte kung ang may-ari nito ay convicted sa kasong kriminal, tumakas sa batas, o pinaghihinalaang terorista at kinasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Act. (Denniel Salayo/News Light)




