Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) na maaaring abusuhin ng ilang kapulisan ang ‘paramihan’ metrics na ipapatupad sa ilalim ni PNP Chief Nicolas Torre III.
Sinabi kasi ng bagong PNP chief na kasama sa performance metrics ng kapulisan ang bilang ng mga inaarestong kriminal o indibidwal na may paglabag sa batas.
Ayon sa CHR, posibleng maabuso ito kung saan humahanap ng shortcut ang mga pulis at nagsasagawa ng mabilis na pag-aresto gaya ng nangyari sa nakalipas na mga administrasyon.
Ayon pa sa CHR, kalidad ng pag-aresto at hindi dami ng inaresto ang dapat na pagtuunan ng bagong PNP chief.
ADVERTISEMENT
Ang pahayag ng CHR ay kasunod din ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan walang ligtas at tutulisin na rin ng PNP ang mga small-time drug dealers, bukod pa sa big-time drug bust operations at pagtugis sa mga drug lord.



