Kinaaliwan ng madlang pipol ang isang survey nitong Miyerkules kung saan pinagbotohan kung papasok ba ang certified “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa show.
Madalas kasing liban si Anne sa show dahil na rin sa mommy duties at kaliwa’t-kanang taping.
Ayon sa survey, 85.4% ang naniniwalang papasok si Anne, habang 14.6% naman ang dudang hindi papasok si Anne.
Sa huli, nanalo ang mga naniniwalang liliban si Anne sa show upang samahan sa graduation ceremony ang nag-iisang anak na si Dahlia Curtis.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, nangako rin siyang papasok ngayong Biyernes.
Ang netizens naman, kanya-kanyang banggit ng “sana all” dahil buti pa anila si Anne ay maraming leave credits at papasok ng double pay ngayong holiday.



