Panukalang tuluyang magba-ban sa E-Sabong, aprubado na sa Kamara

📅  |  ✏️ Updated

Lusot na sa House of Representatives ang panukalang batas na tuluyang magbabawal sa E-Sabong sa bansa.

Sa botong 162-2, pinagtibay ang House Bill 11254 na nagbabawal sa lahat ng uri ng online sabong.

Kasama rito ang pagpapasawalang-bisa ng mga permit at lisensya ng mga operator ng E-Sabong.

Habang maaaring makulong ng hanggang 20 taon ang mga lalabag at may multang aabot sa P500,000.

ADVERTISEMENT

Tatanggalin naman sa posisyon at habangbuhay na disqualified sa pampublikong-serbisyo ang sinumang mahuhuling opisyal ng gobyerno na masasangkot dito.