Panukalang anti-POGO, lusot na sa Kamara; CIBAC Rep. Villanueva, ikinagalak ang pag-apruba

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Carlene Latuna  |  ๐Ÿ“‚ News Light, Latest News

Ikinagalak ni CIBAC Party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang pag-apruba ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ng House Bill No. 10987, o ang panukalang naglalayong ipagbawal ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Bilang pangunahing may-akda ng panukala, iginiit ni Villanueva ang paglaganap ng kriminalidad at korapsyon sa bansa dulot ng POGO.

Dagdag pa niya, sinira ng POGO ang buhay ng maraming Pilipinong nabiktima at naabuso ng mga naturang operasyon.

Tiniyak ni Villanueva na pipigilan ng panukala ang anumang pagtatangkang โ€˜rebrandingโ€™ o muling pag-usbong ng mga offshore gaming operation sa Pilipinas.

Sa ilalim ng HB 10987, tatanggalan ng lisensya ang mga POGO at ipagbabawal ang pagtatayo ng mga gaming hub, laboratoryo, at iba pang kaugnay na imprastraktura.

ADVERTISEMENT

Kasama rin sa ipagkakansela ang mga visa at alien employment permit ng mga dayuhang empleyado ng mga POGO.

Para kay Villanueva, ang pagpasa ng panukala ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng CIBAC Party-list na pangalagaan ang moralidad ng bansa.

Nanawagan si Villanueva sa magkabilang kapulungan ng Kongreso na pabilisin ang pagratipika ng panukala upang maipasa ito sa pangulo bago ang sine die adjournment ng Ika-19 na Kongreso at tuluyang maging ganap na batas.