Muling inihain sa Kamara ang panukalang gawing ₱50,000 ang minimum na buwanang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ang House Bill No. 203 ay inihain nina ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio at Kabataan Party-list Representative Renee Co sa unang araw ng kanilang panunungkulan bilang mambabatas sa ika-20 Kongreso.
Layon ng panukala na paliitin ang agwat ng sahod sa pang-araw-araw na gastusin ng mga guro.
Nakasaad sa panukala na noong administrasyong Duterte, 50 hanggang 100 porsyento ang itinaas sa sahod ng mga sundalo at pulis, samantalang 4 hanggang 5 porsyento lamang ang naging dagdag sa sahod ng mga guro.
Dagdag ng mga mambabatas, hindi nakapagtataka kung bakit mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa ang maraming guro.
Ayon pa sa kanila, ang taas-sahod ay magbibigay proteksyon sa karapatan ng mga frontliners ng edukasyon.