Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan ang bagong batch ng AVAC Live vaccines mula Vietnam laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa kalihim, bahagi ito ng kontroladong bakunahan ng gobyerno upang masugpo at hindi na lumala ang ASF sa bansa.
Umaasa rin siya na papayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang komersyal na paggamit ng bakuna.
Batay sa pinakahuling ulat ng Bureau of Animal Industry, mula 534 barangays noong Oktubre 2024, bumaba na ang ASF cases sa 28 nitong Hulyo.



