Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita ng ika-129 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Jose Rizal ngayong araw, December 30.
Kasama ng Pangulo sa Rizal Park si First Lady Liza Araneta Marcos at ang kanilang tatlong anak na sina House Majority Leader Sandro Marcos, Joseph, at William.
Naka-half-mast ang watawat ngayong araw bilang pag-alala sa kabayanihan at kamatayan ni Rizal.



