Pangulong Marcos Jr., pinagbibitiw sa puwesto ang kanyang mga gabinete

📅 May 22, 2025 08:10 AM PHT  |  ✏️ Updated May 22, 2025 08:10 AM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 Latest News, News Light, Pulitika
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong pinarangalan ng Presidential Medal of Merit sina Nora Aunor at iba pang pumanaw na personalidad, May 4, 2025. Photo from Presidential Communications Office

Pinagbibitiw na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete, ayon sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office ngayong Huwebes ng umaga, Mayo 22.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hakbang ang courtesy resignation para mai-realign ng pamahalaan ang serbisyo nito sa inaasahan ng taumbayan mula sa kanyang administrasyon.

Aniya, hindi ito business as usual at hindi pamumulitika, bagkus pagtugon sa inaasahan ng taumbayan.

Kasunod ang courtesy resignation ng resulta ng halalan kung saan anim lang sa 11 na inendorsong mga senador ng Pangulo ang nahalal.

Itinuturing ng Pangulo na batayan ang resulta ng Eleksyon 2025 sa pananaw ng publiko sa administrasyong Marcos Jr.

“The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses,” ayon sa Pangulo.